Friday, 20 February 2015

Sabihin

Recording Time: 3:24pm



Song: Sabihin
Singer(s): Zelle


"Sabihin mo na kung babalik ka pa...
Para di na maghintay"











♫♪♫♪♫♪♫♪♫♪♫♪♫♪♫



Sinabi mo magkikita tayo sa lugar kung saan tayo madalas magtagpo, pero hindi ka na kailan man nagpakita sa akin.

Umasa ako na tutuparin mo ang pangako mo, pero tila yata wala na ang pangako na ito.

Hindi na ba naihatid sayo ang mga bulong ko sa hangin na hinihintay kita?

May katagalan na rin ng hindi ko nasilayan ang mukha mo...
 Ano na kaya ang itsura mo? 
Naging malusog ba ang pangangatawan mo? Maiksi ba ang buhok mo? 
Naging mapusyaw pa ang kulay ng balat mo?

Gusto ko na idampi ang mga palad ko sa pisni mo. Gusto ko maamoy ang pabango na gamit mo. Gusto ko maramdaman ang balat mo na kumiskis sa balat ko.

Sobrang nananabik ako sayo at umaasa pa rin na sa dating tagpuan ako ay iyong bibisitahin. 
Pero kung gaanong ang panahon ay nanatiling mahaba ang pasensya, ako ay tao lamang at unti-unti ng sumusuko ang katawan.

Napagod na ang katawan ko, Napagod na ang puso ko. Nangulubot ng ang balat ko. Unti unti ng nawawala ang alala mo sa isip ko...

Hanggang may natitira pa na alala mo sa akin, gusto ko lang malaman mo na ang mahalin ka ang isa sa pinaka masayang bagay na nangyari sa akin.

Subali't kailangan ko na magpaalam...



Saturday, 13 December 2014

12.13.14 playlist

Recording Time: 1:51am

Was so bored while waiting for the task I perform to be completed when I decided to tickle my phone and hit the music icon.
 
My outdated phone started playing the songs when I realized that the songs being played are from The Corrs.
 
I can say that once in my life I became a fan of this Band
 
I bought not only cassette tapes (very old school) but cds as well.
 
Below are my top 10 fave Corrs' Songs:
 
10) Breathless
 
 
 
9) Old town
 
 
 
8) What can I do?
 
 
 
7) Intimacy
 
 
 
6) Love to Love you
 
 
 
5) Irresistible
 
 
 
4) Runaway
 
 
 
3) Angel
 
 
 
2) Radio
 
 
 
1) Summer sunshine
 
 
 
Nostalgic isn't it? I feel like I was in high school lolz
 
How about you? What is your top 10 Corrs' song?
 
 
 
 
 


 
 

Saturday, 29 November 2014

Para sa isang kaibigan

Recording Time: 10:36pm




Song: John Legend
 Singer(s): All of me




"Love your curves and all your edges
All your perfect imperfections..."











♫♪♫♪♫♪♫♪♫♪♫♪♫♪♫♪♫♪♫


Hindi ang kahinaan ang isang tao ang dahilan para bumitaw ka.

Kung talagang mahal mo ang isang tao, dapat ay unahin mong magustohan o mahalin ang mga kapintasan nya dahil madali lang mahalin ang mga bagay na maganda sa kanya.

Kung magagawa mong mahalin kung gaano sya lakas kumain, kung naghihilik sya matulog, kung mabaho ang utot nya, kung kaya mo tanggapin ang mga panget sa kanya, hindi mahirap para sa yo ang magtagal at mahalin ang tao..

Ikaw ang tutulong sa tao para baguhin ang bagay na panget sa kanya. Ikaw ang magiging dahilan para maging maganda ang mga dating panget sa kanya. Ikaw ang magsisilbing inspirasyon para baguhin nya ang mga bagay na kaya nyang baguhin para sa iyo at darating ang araw mapagtatagumpayan nya ang mga bagay na pangit, kahinaan at mga kapintasan nya..

Dahil mahal mo sya at mahal ka nya, kaya nyong baguhin ang mga bagay dahil nagmamahalan kayo...




Tuesday, 18 November 2014

Mash-Up Republic...

Recording Time: 4:39


Matagal ko ng sinusundan ang pahina ng Mash-Up Republic na paandar ni Harlem Jude Ferolino na student ng Mindanao State University sa GenSan na isa ding Broadcaster ng Voice of the Youth Radio - General Santos.

Nakakatuwa ang taong ito dahil ang taba din ng utak pagdating sa pagma-mash-up ng kanta na katulad ng ni Ate Gay na kinaaaliwan ko din pagdating sa ganitong forte ng kantahan.

Ito ang isa sa mga ginagawa kong stress reliever kapag rest day ko o yung tipong puputok na ang ugat ko sa batok kapag stressed na.

Nung nakaraang Biyernes pagkatapos ko kumain ng lunch ko (kahit na ala-una na ng madaling araw, dahil night shift ako) eh nakita ko ang post ng M.U.R ng kantang Forevermore ng Sida A at Maybe ng Neocolors. Sa hindi inaasahang pagkakataon ay gumana din ang sing taba ng bilbil kong utak at naki-patol din sa mash-up at pinagsama ko ang kantang Forevermore at It Might Be You ni Stephen Bishop.



Nakakatuwa na sinagot ng M.U.R ang pagpatol ko sa kantang ito...

M.U.R YOU ROCK!!!!!!, tuloy tuloy lang sa paghahatid ng katuwaan ngayon panahon na marami ang taong kailangan sumaya... Tulad nga ng sabi ko sa isa kong blog... "Sa panahon ng kalungkutan, pa-check up ka sa adik para lumabas ang saltik"... ☺





Saturday, 11 October 2014

90s song ☺

Recording Time: 1:43pm


Naalala mo ba ang music ng last decade ang 90's tulad ng...















Yep, na-miss ko so much ang mga kantang ito. Eh bakit nga ba kahit hindi Thursday eh nag-throw back ako ng mga 90s song?

Eh kasi pinatulan ko ang online test kaninang umaga na "What is Your 90's Theme Song?" ang result na ng test ako ay....









































Natatawa ako sa result ng test pero one thing is for sure.... Kinanta ko sya with matching indak indak pa, ganyan lolz.


Gusto nyo din ba itry? o ang link nasa baba try nyo lolz. Share nyo kung anong 90s song ka ha ☺

http://www.playbuzz.com/jonb10/what-is-your-90s-theme-song






Sunday, 21 September 2014

kanlungan

Recording Time: 8:36


Song: Kanlungan
Singer(s): Noel Cabangon





" Pana-panahon ang pagkakataon 
Maibabalik ba ang kahapon? "









♪♫♪♫♪♫♪♫♪♫♪

Sa hindi inaasahang pagkakataon 
biglang nagbalik ang mga alala ko
nung kabataan ko.

Naalala ko kung gaano lang kasimple ang buhay
Baon lang sa eskwela ang problema mo
kung paano ka makakalusot sa guro mo dahil wala kang
takdang aralin

Subalit ngayon hindi mo pwede ipagsawalang bahala ang lahat
Kailangan mo isipin ang taong nakapaligid sayo
Ang taong importante sayo

Pero paano nga ba kung ang taong importante sayo ang lumimot sa lahat ng bagay na ipinangako nyo?


*** gumawa po ako ng cover song ng kanlungan na napapakinggan nyo ngayon, pasensya na dahil may naririnig kayong tunog ng tricycle lolz***

Saturday, 5 July 2014

move on

Recording Time: 9:09 am






Song: Kismet
Singer(s): Silent Sanctuary


I was checking on my feeds in Facebook and I saw this video. At first I don't want to take a peak on it, but then again the context of the post caught my attention. I was reading on in while listening to Silent Sanctuary's background music and I didn't realize that I was smiling.

Yes, it maybe that for the others the video is applicable and can relate on it and for some, its not.  We may have different way on moving on but one thing is for sure, no matter how painful the separation maybe you will still recover and will be more wiser and stronger.

Have a blessed Sunday everyone!

(credits to the owner of the video)