Showing posts with label comments and melodies. Show all posts
Showing posts with label comments and melodies. Show all posts

Thursday, 4 April 2013

Comments and Melodies #3

Recording Time: 4:05am


Song: I Can't 
Make You Love Me
Singer(s): Adele






" I'll close my eyes, then I won't see 
The love you don't feel when you're holding me 
Morning will come and I'll do what's right 
Just give me till then to give up this fight 
And I will give up this fight  "








♫♫♫♫♫♫♫♫♫

Isang kaibigan na itatago na lang natin sa pangalang Keitaro ang nagpost ng kanyang nararamdaman sa kanyang blog (ibang blog host). At first ay sinabi ko lang sa kanya na may blog din ako at ibinigay ang link ko sa kanya Ang post na nakita nya sa blog ko ay ang unang paglathala ng comments and melodies kaya naman natanong nya sa akin kung ano ang masasabi ko sa entry na ito.

Humingi ako ng approval sa kanya kung pwede ko bang ipost ang entry na ito sa page ko ng mabigay ko ang opinion ko sa kanyang sitwasyon....




Kahit suntok sa buwan, minsan ay sinusubukan natin kung maaring dumating ang pagkakataon na makasama ang taong gusto natin. Walang masama kung susubukan, pero ang lahat ng ito ay nakadepende sa rin sa indibidwal na sitawasyon.

Mahirap ang ipilit sa tao ang magustuhan at mahalin ka nya lalo pa at di ka naman sigurado kung ano ang tunay na nararamdaman nya. May mga nagtatagumpay sa ganitong approach pero may mga hindi rin naman.

Minsan dumadating talaga sa punto na dahil sa nararamdaman mo na maaring walang patutunguhan ang ipursue ang kagustuhan mo na magkaroon kayo ng relasyon eh ikaw na rin ang susuko dahil sa alam mo na maaring ikaw lang din ang masasaktan sa bandang huli.

Oo, maaring karuwagan ang hindi mo ipaglaban ang nararamdaman mo, pero masisisi mo ba ang isang indibidwal kung hindi nila kaya na makita ang sarili nila na nasasaktan? 





Sunday, 31 March 2013

Comments and Melody #2

Recording Time: 4:12 am



Song: I remember the boy
Singer(s): Joey Albert






"And while the song still brings that certain glow 
And the words still sing of love I know 
It isn't quite the way it was before 
I remember the boy 
But I don't remember the feeling anymore "







 ♪♪♪♪♪♪♪♪♪♪




Magandang gabi mga ka-duet. Dahil po sa nakiliti ang utak ko ng isang anonymous na nagcomment sa isang lumang post sa music room eh nagkaroon ito ng isang segment.

Na-overwhelm yata si Lalah dito ng TELELALAHBELLS kaya naman gumawa sya ng enrty inspired by the resent entry ng music room...


(edited na po ito...)



♫♫♫♫♫♫♫♫♫



Hi Lalah,

Una sa lahat nagpapasalamat ang segment na ito sayo dahil sa #instapromote ang music room ko sa blog mo. Nakakataba ng bilbil ang mga complement mo sa chuweter at sobrang nagpapasalamat ako sayo ka-duet.

Una sa lahat, wag mo na ituloy ang balak mo mag-artista, Di ko kayang makita kang gaganap na Kokak, o isa sa mga leading role ng temptation isaland, o gampanan ng papel sa pelikulang pinakamagandang babae sa balat ng lupa na nakasakay sa kabayong puti at nakasuit ka ng kamisong puti  na manipis at bakat ang...... ang...... wag na basta wag mo na ituloy utang na loob... charut!

But on the serious note, I'm a little puzzled on the situation you are talking about regarding kuya blogger. But I guess, I "kinda" get it when you say that your decision is the best decision you made for both of you.

Sacrifices is part of loving, and I really believe it. Most of us reached to a point that even if you dont want to give up on something, you will let it go not only for you but for your partner.

Yes, its difficult to move on with your life knowing that both of you part ways, gaya ng nasabi ko sa isang kaibigang blogger, di titigil ang pag ikot ng mundo dahil lang sa nasaktan tayo, tayo ang dapat gumawa ng paraan para makasabay tayo sa pag-ikot nya (sana ay naaabsorb ko rin ang sinasabi ko).

Nakakatuwa at nalagpasan mo na ang malungkot na bahagi ng buhay mo ngayon ay kaya mo ng tawanan ang karanasan na yan dagdag pa dyan ang kaalaman na natutunan mo sa bahagi na yan ng buhay mo...

Good luck sa new love life.






Friday, 29 March 2013

Comments and Melody #1

Recording Time: 3:49pm



Song: Don't say goodbye
Singer(s): Juris


" Don’t say goodbye
It’s hard to let you go
Tomorrow seems so far away for me to know
If you and I will always be in love forevermore
Don't leave me with just memories
All alone "






♪♫♪♫♪♫♪♫♪







Ito po ay comment sa enrty ko na " I go down ".

Matapos kong maalimpungatan kanina dahil sa tindi ng init, ay naging sanhi ito ng pagkawala ng antok  kaya nagcheck na lang ako ng email. Nagulat ako dahil sa may anonymous comment ako na natanggap...

Natawa ako ng marealize na sinasagot ko na si Mr. Anonymous na itago natin sa pangalan na kuya Bong.

Dahil dyan ay gumana ang malikot kung isip at ngayon ay sumi-segment na ako sa music room.

Kuya Bong, kung nababasa mo man ang entry na ito gaya ng  sinabi ko sa comment ko, sana ay magkausap kayo ng girlfriend mo ay maayos nyo ang di nyo pagkakaunawaan.



Ang segment na ito ay hatid sa atin ng CD ni Kulas, ang CD na maangas, walang gasgas.