Wednesday, 13 March 2013

I go down...

Recording Time: 4:50pm

Song: Deep
Singer(s): binocular




 " So this is what you mean,
And this is how you feel,
So this is how you see,
And this is how you breathe,
Sometimes I know,
Sometimes I go down deep "
♪♫♪♫♫♫



Maka-ilang beses mo na ba naramdaman na naintindihan ka ng tao sa paligid mo dahil sa iniligay nila ang sarili nila sa iyo?

May tao na ba na pinilit langhapin ang hangin na nilalanghap mo? Pinilit makita ang mga bagay na nakikita mo? Pinilit na damhin ang nararamdaman mo? Pinilit marining ang naririnig mo? Pinilit na tulungan ka na huwag makaramdam ng sakit at kalungkutan dahil mararamdaman din nila ito?

Para sa akin ito ang ibig sabihin ng kanta....

Sana ay maenjoy po ninyo ang awiting ito mga ka-duet...











29 comments:

  1. Minsan talaga nakakasawa na din mag care ng too much sa ibang tao eh... kadalasan kasi ikaw na lng ng ikaw ang nage-effort tapos ung iba parang wala lang... binabale wala ka. parang blogging lang din yan eh... ooops... di po ako nagpaparinig nyahahaha!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Sinabi mo pa? minsan ikaw ang nasasagad kapag ikaw ang nag eeforet too much.. hahah parining talaga ohhh

      Delete
    2. ay baket may pag move on na ganap? ahahaha XD

      kaya nga ang mantra ko for today is: Bawal Magtampo. Ganyan! hihihihi :))

      Delete
    3. abah may ganyan fiel? nagpaparinig oh? hahaha o sadyang guilty lang ako? hahahaha kapag ndi nagtampo ang isang tao walang effort na magaganap din bwahahaha harrooottss!!

      Delete
    4. ayan na tinamaan ang mga guilty :p

      Delete
    5. Haha may tinamaan na ba? i-push na yan!!!

      Etong si Lalah oh, diba sinabi ko na sayo kagabi sa twitter na hinde para sayo ang mga parinig namin dito hahaha :))

      Delete
    6. self inflicted daw yung pagkaguilty? tama ba Lalah? ahaha joke lang ha.

      Delete
    7. hahaha inamin lol ndi ha ewan ko sa isang tao dyan naghahanap ng aso ayaw kalaro ang biik lol

      Delete
    8. para kanina yan.. at sino ang tinamaan hehehe

      late reaksyon lang ako hahaha

      Delete
  2. ayoko ng mga ganitong kanta! napapa emo ako! wahahha... (amalayer)

    ReplyDelete
    Replies
    1. nyahaha ito siguro ay may koneksyon sa tweet mo nung isang araw na tinulugan ka... Assuming ahahaha.

      Delete
  3. kailangan ba talaga rixy na na may word na pilit? hahahaha

    ReplyDelete
    Replies
    1. Tama po, mabibilang lang kasi sa daliri ang mga taong kusa nilang inaalam ang mga bagay na makikita, naririnig, at nararamdaman mo... yung iba kung kelan umabot ka na sa sukdulan saka pa lang nila pipiliting alamin ang dahil kung bakit ka nagkaganun...

      Delete
    2. Buti ka pa Rix, alam ang ibig sabihin ng salitang "KUSA" :))

      Delete
    3. Fiel salamat at ginawa mong quotable quotes yang sinabi ko ahaha.

      Para sa akin kasi kapag importante sayo ang tao, di ka magse-settle sa idea na kasama mo naman sya at lagi ka nyang aalalayan o tutulungan. Kailangan mo na maintindihan/malaman kung paano sya mag-isip, paano sya humusga, at paano sya kikilos dahil sa higit kanino man dapat ikaw ang unang dapat makaintindi/makaunawa sa kanya dahil sa ayaw mo syang masaktan tulad ang ayaw mo ring masaktan ka ng ibang tao...

      Delete
    4. Waah Rix, sobra akong agree sa sinabi mo. Another quotable quotes hahaha :))

      Delete
    5. ayan oh sinabing sinabi na talaga makinig ka fiel, eyes on the board, lend ur ears!!! ammfff ganyan oo ganyan rix hahahaha sinabi mo na lahat eh ndi ako makahirit hahahaha

      Delete
    6. This comment has been removed by the author.

      Delete
    7. at may deletan na nagaganap! abah! ano yan feyel! amff!

      Delete
  4. okay naman ang song hehehe

    Minsan mas magandang ilagay mo ang sarili mo sa sitwasyon ng isang tao... at dun mo mauunawaan ang nararamdaman niya...

    saka dapat give and take lang hehehe

    ReplyDelete
    Replies
    1. Tumpak! ahahaha welcome sa music room Jon :D

      Delete
  5. follower na ako ... like your blog ibang tema :)

    oh oh oh oh oh sometimes i go down deep

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ahaha malayo sa nakilala mo noh? :D

      Delete
    2. iba na naman ang naisip ko sa i go down deep churee churee hahaha wholesome blog pala ito para lang pala ito sa mga kids like me hahaha lol

      Delete
  6. Medyo nakakarelate po ako dto sa sinasabi mo kuya.

    Endi kami in good terms ng gf ko ngayon. Pagminsan endi nya iniisip ang nararamdaman ko. Medyo nagdedemand po sya at gusto lahat ng oras ko sa kanya lang. Minsan di na ako makahinga, endi nya sinubukan na unawain ako.

    Pero mahal ko po yun.

    nakita ko lang po ito sa web.

    bong

    ReplyDelete
    Replies
    1. una po kuya bong thanks po sa pagbisita sa music room ni Maestro.

      Aw, kuya kapag di ka makahinga mag-oxygen ka po, charut lang po.

      In a way po kuya, i feel you po sa nararamdaman mo napagusapan nyo po ba yan as partner? kamusta na po kayo?

      Delete
    2. endi po kami nagusap kasi po sang lingo na po us di nagkita kasi galit po.

      balak ko pagtapos na holiweek punta ako sa kanila para usap kami. ayaw ko po maghiwalay kami kasi po mahal ko sya.

      Delete
    3. I see, eh maganda nga po na makapag-usap kayo. kasi po higit kanino man eh kayong dalawa lang po ang makakapag-ayos ng relationship nyo. Ngayon po kung di ka maintindihan ng gf mo eh wala po sayo ang problema.

      Sana po ay maayos nya yan. pagnag kaayos po kayo ay maging open po kayo sa mga ayaw nyo kasi hanggang di mo sinasabi sa kanya ang ayaw mo na ginagawa nya eh gagawin at gagawin pa rin nya yan pero pag alam na nya na di mo gusto yung ginagawa nya eh chances is maaring mabawasan o totally di na nya gawin yun..

      Good luck po kuya at sana po ay magkaayos na kayo ni gf.

      Delete

Makibirit ka na din...