Nais ni Maestro Sinto-Sintonado na ibahagi ang maliit na award na ito sa lahat ng mga ka-duet na nakikiagaw ng microphone sa pagkanta ng mga awiting nai-feature na nya sa Music room nya.
Sobra po akong nagpapasalamat sa mga sumuporta, nakiingay nakinood, nakitawa sa mga kalokohan ko sa music room ko.
Ang award na ito ay may kaukulang rule at ito iyon...
The Rules:
1) Please use the same title and include as well the picture above in your post.
2) Don’t forget to link Maestro Sinto-Sintonado's blog to your post.
3) Give the award to 7 other bloggers you love and let them know you gave them this award.
4) Answer the questions below:
1) What is your own definition of music?
2) Ano ano ang mga genre ng musika ang pinakikinggan mo?
3) Kung ikaw ay isang awit, anong awit ka at bakit?
4) Kung may musical instrument kang gusto mong maging bihasa, ito ay ang.....
5) Baduy ba para sa iyo ang mga kantang OPM (Original Pinoy Music) considering na isa kang Pinoy?
6) Kung may isang stanza ng kanta na magsasabi ng tunay na nararamdaman mo ngayon, ano ang stanza na iyon, saang kanta galing at bakit?
1) Music is the expression. Expression ng isang tao sa tunay niyang damdamin na malaya niyang naipapahayagang sa tulong ng liriko at ng melodya na kapag pinagsama ay may isang mahikang mabubuo na tatatak di lamang sa isip mo kundi sa puso mo.
2) Mapakadami ng klase ng kanta na gusto ko, ang underground, heavy metal, at hard core rock lang ang di ko pinakikinggan kasi parang di sila musika para sa akin.
3) Cannonball ni Damien Rice, ang kantang yan para sa akin ay puno ng irony/contradiction. Parang ang buhay ko marami ding irony/contradiction, pero ganun pa man di nagiging hadlang ang mga bagay na iyon para maging masaya ako.
4) Violin, Kapag pinapanood mo kasi ang mga biyolinista parang ipinapasa nila ang emosyon nila sa hawak nilang instumento at ang instrumento nila ang nag sasabi ng saloobin nila... Nakakamangha.
5) Hindi. Kung tutuosin, simple lang ang mga lyrics ng kanta ng mga OPM pero kahit simple kuhang kuha nya ang nararamdaman mo lalo na yung OPM band ng 80s at 90s
6) " Kay tamis ng ating samahan sa lungkot at kaligayahan
Tunay na kaibigan, kasamang maaasahan
Salamat at tayo'y may pinagsamahan
Salamat, tunay kong kaibigan"
- the Dawn
- Nag papasalamt kasi ako sa mga tao na di ako iniwan sa panahong kailangn ko ng kausap, kasama at karamay. Salamat kasi hindi nila ako iniwan at pinagtiyagaan nila ako.
Ibabahagi ko ang award na ito sa mga sobra-sobrang ang pagtangkilik sa pahinang ito...
Erin of The Nutty Thoughts
Fiel-Kun of http://fiel-kun.blogspot.com/
Lalah of Telelalahbells
Genski of Genskie's Written Voices
MeCoy of Ako is MeCoy
JonDmur of JonDmur
Arvin of Château de Archieviner