Ayos naman ang umaga ko nang magising ako, after ko mag hilamos ay bigla ako nalito kung ano ang araw dahil sa kakaiba ang musika na pinakikinggan ng tatay ko.
Bakit? Dahil sa ang tugtog nya ay ang mga tunog Pinoy na kadalasan ay pinatutugtog ng isang beses lamang sa isang linggo.
Oo nga naalala ko. Dito ko napagtanto habang humihigop ako ng kape at pinakikingan ang mga musika na naririnig ko ang kaibahan ng musika noong panahon at ngayon.
Hindi kaila na maganda ang mga musika na ginagawa ng mga musikero at magaawit sa panahon ngayon, pero may kakaiba sa mga musika ng mga musikero at mangaawit noon.
Iba ang hagod, ng musika nila swabe sa tenga at nakakatuwa pakinggan, ang iba nga sa kanila ay nangangaral pa kaya naman nakakaaliw.
Nais ko ibahagi ang ilan sa mga kanta noong panahon na nagmarka sa akin dahil hindi lang sila nakakatuwang pakinggan, masarap din naman sila sabayan...
Heber Bartolome - Tayo'y mga Pinoy
Isang awitin na nilikha upang ipaalala sa atin na hindi mo kailangan mahiya na ikaw ay Pinoy, napakadaming bagay na ang napatunayan natin at dapat ipagmalaki...
Mike Hanopol - Laki Sa Layaw
Nakakatawa ang awitin ni Mike Hanopol tungkol sa mga tao na bigay luho, Hindi bat may aral kang makukuha sa awitin na ito?
Juan Dela Cruz - Himig natin
Awitin ng pagdamay sa kaibigan, hindi ba ganito tayong mga Pinoy? Hindi natin iniiwan basta basta ang mga kaibigan natin dahil para sa atin ang mga kaibigan lalo na ang matatalik na kaibigan natin ay extended family na din?
Florante - Sana
Hindi naman masama ang mangarap na pag-ibig ang mamayani sa mundo di ba?
Sampaguita - Nosi ba lasi?
Isa sa mga pinaka astig na kanta na rakrakan ang kanta na ito... Pero hindi lang ang areglo ang musika ang maganda sa kanta naito kundi ang mensahe ng awitin ng Sampaguita.
Asin - Cotabato
Ang awitin na ito kung pakikinggan mo ay may social awareness. Bukod sa may halong ethnic na fusion sa areglo ang musika na ito eh maganda ang naging mensahe nya kaya naman masasabi ko na isa ito sa mga naging obra maestra ang awitin ng Asin.
Asin - Himig ng Pagibig
O kasama pa rin sila ulit no? ahaha sa totoo lang ito ang isang awit ng asin na para kang pinaghehele. Gustong gusto ko ang blending ng boses ng mga member ng band sa dulong part. Ang sarap pakinggan.
Joey Ayala - Karaniwang Tao
Social awareness ba kamo? ito ang isang seryoso na social awareness na kanta. Bukod sa upbeat ang areglo ng musika na ito eh madaling intindihin ang mensahe nito kaya naman pupukawin nito ang kamalayan mo...
Kayo po ba ano po ang mga Pinoy Rock/Music ang gusto nyo? Share nyo naman :D