Song: Can we still be friends Singer(s): Mandy Moore/ Todd Rundgren |
" We can't play this game anymore but
Can we still be friends?
Things just can't go on like before but
Can we still be friends? "
♫♪♫♪♫♪♫♪♫
Is it really possible for ex lovers to become friends again?
If you ask me, that depends.. depends?
Yes! it depends on the gravity of the reason why you part ways.
Sabi ng isang DJ sa isang sikat na radio station, "You can never be friend with you Ex". When her radio partner ask her why she said "Ex is part of your life that is not correct thats why you call them "EX (X)"... That caught my attention. Oo nga noh! She's right and her reason make sense. Sila ang parte ng buhay mo na bagamat masaya ka na nakapiling mo sila ay hindi nagwork-out kaya naman they are marked as X dahil you consider them as a mistake kaya naman ang tawag mo sa present partner mo ay Mr/Mrs Right.
That makes me think things, ano nga ba ang benifits of having your ex as you friend? hmmmmmm:
1) Free Flow of conversation - dahil sa you have a hint kung ano ang mga topics na alam nyo na mapagkakasunduan nyong pag-usapan.
2) Its easy to decide - Dahil nga naman sa ex-lovers kayo alam nyo din kung ano ang fave color, scent, food, type of music or movie ng bawat isa kaya hindi mahirap mag decide ng mga bagay bagay.
3) You know how they feel - You can easly sense if your ex-lover is happy, excited, frustrated, upset, scared dahil sa may pinagsamahan kayo ay alam mo how they would react sa isang situation pero syempre that depends kung isa kang naglalakad na adobe. Ano ang ibig kong sabihin doon? kung isang kang manhid na naging tao.
4) Adviser - Pwede kang lapitan ng mga current partner nila just incase they need to know something about you or to seek advise kung ano ang magandang gawin sa sitwasyon na pinagdadaanan nyo (kung meron lang naman).
Syempre ang mga nabanggit ko sa taas ay possible lang kung medyo mababaw ang dahilan ng inyong break-up at both of you REALLY forgive each other (kung sino man ang may fault sa breakup nyo).
Pero on the other hand, kung hindi basta basta ang naging dahilan ng breakup nyo ewan ko na lang kung possible na mangyari yan dahil baka mas malabo pa sa sabaw ng adobong pusit ang chance na pati mga anino nyo ay maging magkaibigan.
Ano naman kaya ang mga bagay na hindi maganda kapag naging friend mo ang Ex mo? hmmmmmm:
1) Always boils down to the root cause of the break up - Para sa akin ito ay yung ok kayo in a minute tapos you will realize na kung sana ay di mo/ka sya/nya niloko ay kayo pa rin at masaya sana kayo, tapos isusumbat mo/nya ka kung si mo/ka sya/nya niloko eh masaya sana kayo and then the fire will start up and just a snap of your finger magkaaway nanaman kayo.
2) Di ka mapormahan / di ka makaporma - Lagi na lang may side comment ang ex mo sa pumoporma / pinopormahan mo na kesyo ganito, kesyo ganyan. Minsan tuloy di mo alam kung naiinsecure sila ko may feeling pa sila sayo kaya naman ayaw ka nila na magkapartner pa.. pero symepre asumption ko lang naman yun... malay ko ba dyan. Tiyars!
3) Blackmail - Dahil kilala ka nila at may alam sila sayo lalo na sa mga sekreto mo, kung maitim ang singit mo, kung bad breath ka, kung may baktol ka, kung may worst pa dun... hmmmmm ayaw ko magsabi lowlz, eh madali ka nilang i-blackmail at dahil sa ayaw mo naman na malaman ng iba magiging sunod sunuran ka... tama?
4) Devils at your back - Ito yung mga applicable doon sa mga ex na pag nag-away kayo ng current bf/gf mo at nag seek sila ng advise eh sasabihin nila na ganito ka kasi kaya ganyan tapos ganito na ang ending eh lahat ng blame sayo dahil ito ay based on their expereince sa relationship nyo.
5) Fellings are coming back - dumarating sa mga oras na nararamdaman mo na may something pa pala sa ex mo at di ka pa nakakaget-over at you want to give it a second blow pero ang catch dito ay... may partner na sya... ang worst may anak na sila wahahahahaha.
Bakit nga ba nasabi ko na depende sa gravity ng reason ng paghihiwalay nyo ng ex mo kung magiging magkaibigan kayo?
Alam natin na may mga taong pusong mamon. Kahit na gaano kasakit ang pinagdaanan ng bawat isa sa relationship nyo eh napatawad at nakalimutan na nila iyon at ok sa kanila ang maging magkaibigan kayo pero somehow you know na meron ng boarder dahil nga hindi na kayo. Meron naman na hindi ka/mo talaga nya/sya mapapatawad sa ginawa mo/nya kaya naman alam nyo na sa sarili nyo ang its a big big big X ang maging friends pa kayo.
Lahat ng tao ay may kanya kanyang take when it comes to that situation. Kung ako ang tatanungin nyo eh neutral ang take ko sa tanung na ito. Ayoko kasi na magtamin ng galit o sama ng loob sa ex dahil sa ones in my life eh naging masaya ako sa piling ng taong minahal ko pero para sa akin kung sariwa pa ang sugat na dulot ng masalimot nyong paghihiwalay eh huwag muna dahil sa siguradong mauubusan na kayo ng pasensya sa panay panay na sumbatan..
Ang mga nabanggit ko po ay pawang mga sariling opinyon lang naman, at dahil we are living in a material world in a free country ay ipinahayag ko lang ang sarili kong pananawa sa tanong na ito hihihi.
So paano yan mga ka-duet, hanggang sa susunod na kantahan...
I've met a couple of people ready who were together before as lovers and together again as best friends. :) i agree with you na depende yun sa cause ng break up nila.
ReplyDeletehihihi based on expirience ba yan Yoshizen? ingat sa Canada.
DeleteSince Good Vibes ang peg ko ngayon, syempre dun na ako sa nakakapag bigay ng positive energy. Op kors, naniniwala pa rin ako na ang mag eks labers ay pwedeng pwedeng maging magkaibigan. Diba mas masaya na nagtapos ang inyong relationship in a much better way? Ano gusto mo, ung matapos ang relasyon nyo ng lumuha ka ng balde balde or ung magaan sa pakiramdam bagama't alam mong tapos na ang lahat sa inyo ay hindi naman kayo nagkasamaan ng loob ng dati mong pakener! syempre dun ka na sa nakakapagbigay sayo ng positive vibes. But at the end of the day, nasa sa dalawang taong magkarelasyon pa din ang final decision... ako ay nagbibigay lamang ng aking opinyon.
ReplyDelete:D see ito ang sinasabi ko, iba iba ang take ng mga tao sa tanong na ito hihihi.
DeleteMay mga tao kasi na mapagtanim ng sama ng loob kaya naman kahit na matagal ng lumipas ang panahon nila bilang magkapareha ay muli't muling babalik ang masasamang karanasan nila kapag naaalala nila ang kasalanan sa kanila ng ex nila.
Naalala ko yung it takes a man and a woman habang binabasa yung mga hindi magandang bagay. haha ..
ReplyDeleteIt takes a lot of maturity bgo maging magkaibigan ang dating magkarelasyon. Which I dont think I have , kaya sa pananaw ko . hindi tlga pwede. Unless parehas lang kayong naglaro nung mga panahong yon at wala alng sa inyo ang mga oras na pinagsaluhan niyo. hahahha
Sa totoo lang di ko pa napanood ang movie na yan. Uber busy ako ahahaha.
DeleteWow no namang ang mga bagay na pinagsaluhan na yan? share nga.... lolz!
tama naman, depende talaga sa mga taong involve at sa dahilan ng hiwalayab!
ReplyDeletesa tingin ko mas mahirap nga lang to kpag committed ka,
kasi may masasaktan ka kung magiging mag kaibigan uli kayo
tama! tumpak ka dyan... nadali mo batang bata.... hanu daw? hihihi
Deletepwede siguro, ...pero definitely may mga nabago na kaya posibleng hindi ganung ka-close o ka-intimate... anyway, depende pa rin yan sa kanila...
ReplyDeleteYes marami ng sumasagot ng depende ibig sabihin...... wala lang ahahaha :D musta na tukayo..
DeleteNaniniwala parin ako na lovers can be friends again. Pero depende parin eto sa choice ng dalawang involve :P
ReplyDeleteGusto ko yung version na kumakanta dito. Eto ba yung kay Todd Rundgren? Pero si mandy mur ang naaalala ko sa kanta na to.
Wow nyahaha hopeless romantic talaga :D
DeleteUu yan nga yung version nya :D ehehehe.
hati ang opinyon ko dito.
ReplyDeletepero nmn sigurong maging friends pero limited lng ang level ng pakikipag usap.
pwedeng hindi na rin pra respeto nlng sa partner mo ngayon.
Una po maraming salamat po sa pagbisita ninyo at pakikiawit sa music room :D
DeleteEhehehe tama po depende talaga ito sa sitwasyon..
;-) pwedeng maging mag kaibigan ang ex lovers pero di maiiwasan ng magkahulugang loob ulit ;-)
ReplyDeleteYun nga din yun eh pero ito ay dahil madali na lang magkahulihan ng loob because you guys known each other peronakadepende pa rin ito sa inyong dalawa :D
Deletehi rix parekoy. you are right, i can relate to this post. my experience? my stand? yes, ex can't be friends for reasons, depende gaano kabigat ang pain when the two of you separate ways. it depends with the situation rix. my case is just different hehehe kwento ko sa blog pag maisip ko ang entry na yon. but there is a but, ex can be friends when time heals the pain. thanks for the drag here.
ReplyDelete;D no problem Poy ehehe
DeleteDepende nga siguro sa cause ng break up yan and also sa maturity ng tao. Before, hindi ko talaga nagiging kaibigan yung ex ko. Walang communication, tatatanggalin talaga sa kahit anong social network tapos buburahin yung number.
ReplyDeletePero ngayon, ok na sakin at tama ka nga sa mga positive side nang nagiging friends na mag-ex. Mutual decision din kasi, kung ayaw ng kabilang party, respetuhin na lang.
ehehe salamat naman po at nag-agree ka po ehehe. welcome to my page :D
Deletehindi pala ako napadaan dito noong new post ito hehehe
ReplyDeleteuo nga eh....ako naman... payag ako na maging bespen ko ang ex ko... as long na okay lang sa kanya....
at kung kami talaga.... mangyayari ang mangyayari....