Saturday, 31 August 2013

Waltz

Recording Time: 10:55am



Song: Waltz
Singer(s): Hale



 "And all that I need
And all that I breath
And all that I care for is you

I hate you..... "






♪♫♪♫♪♫♪♫♪♫♪♫♪♫♪

Naramdaman mo na ba ang pakiramdam na may partner ka pero parang wala?

Yung alam mo na nag e-exist sya pero hindi mo alam kung buhay pa sya dahil sa once in a blue moon mo lang maramdaman...

Yung bilang sa daliri kayo ma-usap madalas text pa, hindi tumatawag. Minsan hindi mo maiwasan na masaktan dahil sa gusto mo man na maramdaman ang presensya nya pero wala.

Ilang beses sya nangako sa isang bagay para mapunan ang pagkukulang nya sayo pero ang masaklap eh sa 5 pinangako nya eh 7 ang sablay. Masakit para sa iyo pero inunawa mo sya.

Ganun pa man para sayo sya ang pinakaimportanteng tao sa buhay mo, sya ang taong nagbibigay ng sigla sayo, sya ang bagay na iniisip mo para maging maayos ang araw mo pero ganun din ba sya sayo?

Makakaya mo kayang magpatuloy kung malalaman mo na ang relasyon nyo ay isa lamang diversion para sa kanya? 

Para takasan ang isang problema...

Para magkaroon ang isang ibang daigdig na iba sa talagang ginagawalan nya.... 

Na ikaw ay ginagawa nyang isang malaking alibi sa mundo na tinatakasan nya ng panandalian....

==== *** ====


yan po ang inspirasyon ng entry na ito...









Saturday, 3 August 2013

in time....

Recording Time: 6:55pm


Song: Better in time
Singer(s): Leona Lewis






" Since there's no more you and me
It's time I let you go so I can be free
And live my life how it should be.
No matter how hard it is,
I'll be fine without you, Yes I will. "







♪♫♪♫♪♫♪♫♪♫♪♫♪



After mo iyakan ang isang epic failed na relationship isa sa mga challenge ng mga tao is how to cope up sa mga turn of events na yun. Maaring ang iba matagal ang depression period at moving on process nila dahil sa bukod sa sobra ang sakit ng nararamdaman nila ay sobra din nilang minahal ang naging ex-partner nila. Pero sadyang may mga tao na mabilis ang acceptance nila sa isang situation kaya may mga tao ma mabilis makarecover after ng ilang araw na iyakan ang separation nila with their ex-partner.


May mga tao na iba iba ang trip nila kapag sinusubukan nila na kalimutan ang masalimuot na alala na hatid ng paghihiwalay ng landas nila ng kanilang demonyong kapareha, tulad nito:



* Self Re-invention o Balik Alindog Program *


May mga tao na after nilang iyakan ng pala-palanggana ang kanilang break up ay nagiging creative sa pagharap sa madla. Kadalasan ay pinagti-tripan nila ang buhok nila, ang iba naman ay diet ang trip (kadalasan ito ng yayari dahil sa guilt feeling lalo pa at idinaan nila sa pagkain ang kanilang depression),  yung iba hardcore reinvention naman ang trip like pagsho-shopping ng mga bagong kasuotan para naman magkaroon sila ng bagong image o appeal. For the others naman ang magwork out sa gym para maging sexy. Masasabi ko na isa ito sa pinakamagandang part after break-up because it helps you to boost your confidence after losing someone at ito ay isa sa pinakamagandang time na magkaroon ng "Me Time" dahil sa ito lang din marahil ang time mo para sa sarili mo na wala kang iintindihin kundi sarili mo lang.



* Me Time o Me, Myself and I *


Oo, dapat nga ay may Me Time ka kahit na may kapartner ka pero alam naman natin na hindi lahat ng trip mo ay pwedeng sangayunan ng partner mo kaya nga may mga pagkakataon na may kaunting pagtatalo sa relastionship di ba? Ito na ang isa sa mga pinakamagandang panahon na gawin mo ang bagay na gusto mo na walang kokontra sayo haggang sa makamit mo ang satisfaction ng isang bagay na gusto mong gawin na di mo nagagawa noong kasama mo ang damuhong ex-partner mo. Isang magandang oportunidad din ito para mapamper mo ng husto ang sarili mo.



* Travels o Need to find myself  *


Marami ang nagsasabi na kailangan nilang umalis at hanapin ang sarili (nawala ba sila? hihihi). Minsan nakakatulong ang mag-pakalayo-layo ka sa lugar mo, isang magandang way na rin ito para lumabas ka sa comfort zone mo dahil sa magiging adventurous ang dating mo sa pagkakataong ito. Bukod sa magkakaroon ka ng panahon sa sarili mo, makikita at ma-a-appreciate mo ang lugar na pupuntahan mo ay opportunity na din ito upang magkaroon ka ng mga bagong kakilala at kaibigan. Remember, the more friends the more chances of winning forgetting the pain you have.



* Reunions o Shot na! *


Ito na ang isang way to patch things up with your friends, family, bestfriend na hindi mo gaano nabigyan ng oras at atensyon noong kayo pa ng demonyong ex-partner mo. Although ang simula ng lahat ay ang ipapakwento sayo ang nangyari but eventually makikita mo ang concern ng mga yan sa iyo and then you will realize how much you miss each other at sila pa ang magbibigay ng advice sayo ng mga dapat mo gawin who to forget your ex-partner. Ito ang mga panahon na talagang makikilala at makikita mo ang mga taong concern sayo..


Maaring kulang ang mga bagay na binangit ko ngunit, subalit, datapwat ito lamang ay base sa mga tipikal na pangyayari upang makalimutan mo ang nakaraan mong relasyon...