Saturday, 3 August 2013

in time....

Recording Time: 6:55pm


Song: Better in time
Singer(s): Leona Lewis






" Since there's no more you and me
It's time I let you go so I can be free
And live my life how it should be.
No matter how hard it is,
I'll be fine without you, Yes I will. "







♪♫♪♫♪♫♪♫♪♫♪♫♪



After mo iyakan ang isang epic failed na relationship isa sa mga challenge ng mga tao is how to cope up sa mga turn of events na yun. Maaring ang iba matagal ang depression period at moving on process nila dahil sa bukod sa sobra ang sakit ng nararamdaman nila ay sobra din nilang minahal ang naging ex-partner nila. Pero sadyang may mga tao na mabilis ang acceptance nila sa isang situation kaya may mga tao ma mabilis makarecover after ng ilang araw na iyakan ang separation nila with their ex-partner.


May mga tao na iba iba ang trip nila kapag sinusubukan nila na kalimutan ang masalimuot na alala na hatid ng paghihiwalay ng landas nila ng kanilang demonyong kapareha, tulad nito:



* Self Re-invention o Balik Alindog Program *


May mga tao na after nilang iyakan ng pala-palanggana ang kanilang break up ay nagiging creative sa pagharap sa madla. Kadalasan ay pinagti-tripan nila ang buhok nila, ang iba naman ay diet ang trip (kadalasan ito ng yayari dahil sa guilt feeling lalo pa at idinaan nila sa pagkain ang kanilang depression),  yung iba hardcore reinvention naman ang trip like pagsho-shopping ng mga bagong kasuotan para naman magkaroon sila ng bagong image o appeal. For the others naman ang magwork out sa gym para maging sexy. Masasabi ko na isa ito sa pinakamagandang part after break-up because it helps you to boost your confidence after losing someone at ito ay isa sa pinakamagandang time na magkaroon ng "Me Time" dahil sa ito lang din marahil ang time mo para sa sarili mo na wala kang iintindihin kundi sarili mo lang.



* Me Time o Me, Myself and I *


Oo, dapat nga ay may Me Time ka kahit na may kapartner ka pero alam naman natin na hindi lahat ng trip mo ay pwedeng sangayunan ng partner mo kaya nga may mga pagkakataon na may kaunting pagtatalo sa relastionship di ba? Ito na ang isa sa mga pinakamagandang panahon na gawin mo ang bagay na gusto mo na walang kokontra sayo haggang sa makamit mo ang satisfaction ng isang bagay na gusto mong gawin na di mo nagagawa noong kasama mo ang damuhong ex-partner mo. Isang magandang oportunidad din ito para mapamper mo ng husto ang sarili mo.



* Travels o Need to find myself  *


Marami ang nagsasabi na kailangan nilang umalis at hanapin ang sarili (nawala ba sila? hihihi). Minsan nakakatulong ang mag-pakalayo-layo ka sa lugar mo, isang magandang way na rin ito para lumabas ka sa comfort zone mo dahil sa magiging adventurous ang dating mo sa pagkakataong ito. Bukod sa magkakaroon ka ng panahon sa sarili mo, makikita at ma-a-appreciate mo ang lugar na pupuntahan mo ay opportunity na din ito upang magkaroon ka ng mga bagong kakilala at kaibigan. Remember, the more friends the more chances of winning forgetting the pain you have.



* Reunions o Shot na! *


Ito na ang isang way to patch things up with your friends, family, bestfriend na hindi mo gaano nabigyan ng oras at atensyon noong kayo pa ng demonyong ex-partner mo. Although ang simula ng lahat ay ang ipapakwento sayo ang nangyari but eventually makikita mo ang concern ng mga yan sa iyo and then you will realize how much you miss each other at sila pa ang magbibigay ng advice sayo ng mga dapat mo gawin who to forget your ex-partner. Ito ang mga panahon na talagang makikilala at makikita mo ang mga taong concern sayo..


Maaring kulang ang mga bagay na binangit ko ngunit, subalit, datapwat ito lamang ay base sa mga tipikal na pangyayari upang makalimutan mo ang nakaraan mong relasyon...






24 comments:

  1. relate! lols! halos lahat yan ginagawa ko ngayon hehehe.. ^_^

    Balik Alindog Program - exeercise + running.. Oo running ako nahuhumaling ngayon para sumeksi!

    para pag nakita ko na yung bago kong soulmate eh maayos na ako at well buildup!


    ReplyDelete
    Replies
    1. nyahaha good at least sooner or later may bagong Xan na ang pinasexy na Xan... (y).

      Delete
  2. After your break up with your ex gf/bf normal lng na dumaan ka sa emote-emote-ngal-ngal process. Basta bigyan mo lang ang sarili mo ng time frame kung hanggang kelan mo gusto magmukmok. Basta huwag ka lang sosobra kase it's not healthy anymore. How about one week? deal? lol basta nasa sayo naman yun kung hanggang kelan mo gusto, ang sa akin lang eh, 'wag mo na lang patagalin. Kase ikaw din ang magsa-suffer in the end.

    Tama lahat nung nasa list mo. Wala na siguro akong mai-dadagdag pa. Pero ang pinaka like ko jan is yung travel na ala finding nemo ang peg saka lunurin ang sarili sa alak *evil grin*

    ReplyDelete
    Replies
    1. ahaha wow isang magasto pero worth it na way to find yourself ang mag travel... Tara tagay! ahaha

      Delete
  3. Shot na!!! yan ang lagi nangyayari sa barkada nmin nung college days pag may hiwalayang naganap. Depende sa pagkasenti ng tropa yan, minsan inaabot ng isang linggong inuman pag nde maka-move on minsan nman isang araw na lasingan lang ok na hehehe

    ReplyDelete
    Replies
    1. nyahaha tama ito yung madalas ay aabangan kung sino ang broken hearted para libre tagay ahaha

      Delete
  4. 'Sarado' muna ang lahat ng mga bagay na makapagpapa-alala and then 'focus' sa ibang 'thoughts'. Yan siguro ang 'purpose' ng shopping, travel, bonding with other friends etc.. Tama lang siguro... But at the end of the day, you just have to say to yourself, 'move on and let go na... Perhaps there are better things or relationships to come'

    ReplyDelete
    Replies
    1. tama isasara ko ang lahat ng chakra chanels tapos ilalabas mo din ng para makawala sa genjutsu.. ano daw? ahahaha.

      Delete
  5. so may pinagdadaanan si maestro? hahahaha...pero, check sa me time every now and then.

    ReplyDelete
    Replies
    1. ahaha wala, ito ay inspired by my co-worker :D

      Delete
  6. after a few years ansakit-sakit parin ng kantang 'to. pero, masasabi ko lang, kaya mu yan maestro :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Nyahaha sige i-own ko na lang ang kantang ito... pwede ko naman sabihin na in one point of my life nakarelate din ako hahaha. Salamat Olivr.

      Delete
  7. Gusto ko yang Me Time advice. Dapat yung partner kasi marunong naman mag adjust. Di puro DONTS AND DOS sa relationship.at gusto ko yang shoppin2x. Gym2x para sumeksi

    ReplyDelete
    Replies
    1. uy si phioxee gusto sumeksi? seksi ka naman na ah? hehe ^_^
      gimik gimik din.

      Delete
    2. Hahaha ako always my me time : @phiox

      Delete
    3. ahaha Xan di sya nagpapatalo ikaw din daw kasi nakaenroll sa balik alindog program :D

      Delete
    4. hahaha uu nga. takbo dito takbo doon yang si eagleman. pero may inspirasyon na yan. hehehe ang dami don sa fesbuk nya.

      Delete
    5. wow ahahah ayan naman pala Xan eh nyahahaha..

      Delete
  8. kapag suffocating na, kailangan ng time sa sarili to think things over... or else mauubusan ka ng dahilan to enjoy life kasi feeling mo lahat binibigay mo na.. (bitterness ang peg ko.) hahaha

    ReplyDelete
  9. hahays di parin ako nakaakrelate sa mga ganyang bagay.. hahah ibig sabihin ala parin hanggang ngayon.. hahaha

    ReplyDelete
    Replies
    1. Welcome sir Kiko sa music room ko :D medyo matagal ka nang walang update ha.

      Wag ka mag alala, malapit na sya...

      Delete
  10. Na-try ko na yung magpapalit-palit ng hairstyle every time manggagaling ako sa failed relationship. Nasubukan ko na ang boy cut, bob cut, short hair cut, one-sided bangs and full bangs na as in nagmukha akong ala-Dora. Dora na pinanindigan ko naman. Tuwing broken-hearted kasi ako nagiging gala ako. Saka totoo yung yayain mo talaga ng tagay yung mga friends mo, usually not to say sorry eh but to ask for moral support and understanding... meron kasing mga galing sa break up na medyo harsh ang attitude pagdating sa pakikisalamuha sa madlang pipol, eh. Maganda rin yung may moral support.

    May I also add na maganda ring way to move on over a failed relationship ang Learning New things. Like, if you do not know how to cook, then this is the time to learn how to. This is also the time to strengthen our relationship with our family and with God.

    Time heals all wounds, but for me the really best way to move on over a failed love is to look for one love greater than the previous one.

    BTW, I love your blog na talaga!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Maraming salamat po sa pagbisita at nakakataba po ng chubby puso na natutuwa po kayo sa pahinang ito XD

      Delete

Makibirit ka na din...