Saturday, 29 November 2014

Para sa isang kaibigan

Recording Time: 10:36pm




Song: John Legend
 Singer(s): All of me




"Love your curves and all your edges
All your perfect imperfections..."











♫♪♫♪♫♪♫♪♫♪♫♪♫♪♫♪♫♪♫


Hindi ang kahinaan ang isang tao ang dahilan para bumitaw ka.

Kung talagang mahal mo ang isang tao, dapat ay unahin mong magustohan o mahalin ang mga kapintasan nya dahil madali lang mahalin ang mga bagay na maganda sa kanya.

Kung magagawa mong mahalin kung gaano sya lakas kumain, kung naghihilik sya matulog, kung mabaho ang utot nya, kung kaya mo tanggapin ang mga panget sa kanya, hindi mahirap para sa yo ang magtagal at mahalin ang tao..

Ikaw ang tutulong sa tao para baguhin ang bagay na panget sa kanya. Ikaw ang magiging dahilan para maging maganda ang mga dating panget sa kanya. Ikaw ang magsisilbing inspirasyon para baguhin nya ang mga bagay na kaya nyang baguhin para sa iyo at darating ang araw mapagtatagumpayan nya ang mga bagay na pangit, kahinaan at mga kapintasan nya..

Dahil mahal mo sya at mahal ka nya, kaya nyong baguhin ang mga bagay dahil nagmamahalan kayo...




Tuesday, 18 November 2014

Mash-Up Republic...

Recording Time: 4:39


Matagal ko ng sinusundan ang pahina ng Mash-Up Republic na paandar ni Harlem Jude Ferolino na student ng Mindanao State University sa GenSan na isa ding Broadcaster ng Voice of the Youth Radio - General Santos.

Nakakatuwa ang taong ito dahil ang taba din ng utak pagdating sa pagma-mash-up ng kanta na katulad ng ni Ate Gay na kinaaaliwan ko din pagdating sa ganitong forte ng kantahan.

Ito ang isa sa mga ginagawa kong stress reliever kapag rest day ko o yung tipong puputok na ang ugat ko sa batok kapag stressed na.

Nung nakaraang Biyernes pagkatapos ko kumain ng lunch ko (kahit na ala-una na ng madaling araw, dahil night shift ako) eh nakita ko ang post ng M.U.R ng kantang Forevermore ng Sida A at Maybe ng Neocolors. Sa hindi inaasahang pagkakataon ay gumana din ang sing taba ng bilbil kong utak at naki-patol din sa mash-up at pinagsama ko ang kantang Forevermore at It Might Be You ni Stephen Bishop.



Nakakatuwa na sinagot ng M.U.R ang pagpatol ko sa kantang ito...

M.U.R YOU ROCK!!!!!!, tuloy tuloy lang sa paghahatid ng katuwaan ngayon panahon na marami ang taong kailangan sumaya... Tulad nga ng sabi ko sa isa kong blog... "Sa panahon ng kalungkutan, pa-check up ka sa adik para lumabas ang saltik"... ☺