Saturday, 29 November 2014

Para sa isang kaibigan

Recording Time: 10:36pm




Song: John Legend
 Singer(s): All of me




"Love your curves and all your edges
All your perfect imperfections..."











♫♪♫♪♫♪♫♪♫♪♫♪♫♪♫♪♫♪♫


Hindi ang kahinaan ang isang tao ang dahilan para bumitaw ka.

Kung talagang mahal mo ang isang tao, dapat ay unahin mong magustohan o mahalin ang mga kapintasan nya dahil madali lang mahalin ang mga bagay na maganda sa kanya.

Kung magagawa mong mahalin kung gaano sya lakas kumain, kung naghihilik sya matulog, kung mabaho ang utot nya, kung kaya mo tanggapin ang mga panget sa kanya, hindi mahirap para sa yo ang magtagal at mahalin ang tao..

Ikaw ang tutulong sa tao para baguhin ang bagay na panget sa kanya. Ikaw ang magiging dahilan para maging maganda ang mga dating panget sa kanya. Ikaw ang magsisilbing inspirasyon para baguhin nya ang mga bagay na kaya nyang baguhin para sa iyo at darating ang araw mapagtatagumpayan nya ang mga bagay na pangit, kahinaan at mga kapintasan nya..

Dahil mahal mo sya at mahal ka nya, kaya nyong baguhin ang mga bagay dahil nagmamahalan kayo...




8 comments:

  1. parang kilala ko kung para kanino toh :D

    basta stay strong lang kaibigan. lagi lang kami nandito sa iyong likod :)

    ReplyDelete
  2. Tumpak lahat ng kuda mo. *applause*

    ReplyDelete
  3. hayhay! may pinagdadaanan? hehe :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. hahaha nope hindi po ako sa friend po...

      Delete
  4. ito ang bersyon na pag nakita mo yong worst ko, deserve mo ang best ko! chaarreetttss!! hahahaha

    ReplyDelete

Makibirit ka na din...