Sunday, 16 August 2015

My early 2000 playlist

Recording Time: 5:30pm


Hey! Hey! Hey! It's Sunday, and you know that the best thing to kapag Sunday is to listen to old songs while relaxing.

And ito ang playlist ko ☺

- Enrique Iglesias - Do You Know?



Fergie - Big girls dont Cry



Justin Timberlake - Cry Me A River



Backstreet Boys - Shape Of My Heart



Westlife - I Lay My Love on You



N'sync & All Starts - On the line


BBMak - Back Here



Savage Garden - I knew I love you



Five - Until The Time Is Through



Aaron Carter - I'm All About You



Enjoy ☺







Friday, 13 March 2015

Forever

Recording Time:  8:40pm



Song: Kundiman
Singer(s): Silent Sanctuary



" Kundiman tayo hanggang dulo,
h'wag mong kalimutan 
NANDITO LANG AKO "






♫♪♫♪♫♪♫♪♫♪♫♪♫♪♫♪♫


Ang cellphone taon ang bibilangin, tapos sira na
walang forever

Notebook pagubos na ang pahina, bili na ng bago
walang forever

Pambura pagnapudpud na, kailangan na ng bago
walang forever

Pagsira na ang swelas ng sapatos, hindi na magamit
walang forever

Ang baso pag nabasag, hindi na maisasauli sa dati
walang forever

Nalantang bulaklak hindi na magiging sariwa pa
walang forever.

Kahit na sabihin ng lahat na walang forever, hindi ka dapat maniwala.

Hindi ka mabubuo sa mundo kung hindi naniwala ang lolo at lola mo sa forever.

Tiwala lang! may forever pa din.
Ikaw ang gagawa ng forever.



Friday, 20 February 2015

Sabihin

Recording Time: 3:24pm



Song: Sabihin
Singer(s): Zelle


"Sabihin mo na kung babalik ka pa...
Para di na maghintay"











♫♪♫♪♫♪♫♪♫♪♫♪♫♪♫



Sinabi mo magkikita tayo sa lugar kung saan tayo madalas magtagpo, pero hindi ka na kailan man nagpakita sa akin.

Umasa ako na tutuparin mo ang pangako mo, pero tila yata wala na ang pangako na ito.

Hindi na ba naihatid sayo ang mga bulong ko sa hangin na hinihintay kita?

May katagalan na rin ng hindi ko nasilayan ang mukha mo...
 Ano na kaya ang itsura mo? 
Naging malusog ba ang pangangatawan mo? Maiksi ba ang buhok mo? 
Naging mapusyaw pa ang kulay ng balat mo?

Gusto ko na idampi ang mga palad ko sa pisni mo. Gusto ko maamoy ang pabango na gamit mo. Gusto ko maramdaman ang balat mo na kumiskis sa balat ko.

Sobrang nananabik ako sayo at umaasa pa rin na sa dating tagpuan ako ay iyong bibisitahin. 
Pero kung gaanong ang panahon ay nanatiling mahaba ang pasensya, ako ay tao lamang at unti-unti ng sumusuko ang katawan.

Napagod na ang katawan ko, Napagod na ang puso ko. Nangulubot ng ang balat ko. Unti unti ng nawawala ang alala mo sa isip ko...

Hanggang may natitira pa na alala mo sa akin, gusto ko lang malaman mo na ang mahalin ka ang isa sa pinaka masayang bagay na nangyari sa akin.

Subali't kailangan ko na magpaalam...