Friday, 20 February 2015

Sabihin

Recording Time: 3:24pm



Song: Sabihin
Singer(s): Zelle


"Sabihin mo na kung babalik ka pa...
Para di na maghintay"











♫♪♫♪♫♪♫♪♫♪♫♪♫♪♫



Sinabi mo magkikita tayo sa lugar kung saan tayo madalas magtagpo, pero hindi ka na kailan man nagpakita sa akin.

Umasa ako na tutuparin mo ang pangako mo, pero tila yata wala na ang pangako na ito.

Hindi na ba naihatid sayo ang mga bulong ko sa hangin na hinihintay kita?

May katagalan na rin ng hindi ko nasilayan ang mukha mo...
 Ano na kaya ang itsura mo? 
Naging malusog ba ang pangangatawan mo? Maiksi ba ang buhok mo? 
Naging mapusyaw pa ang kulay ng balat mo?

Gusto ko na idampi ang mga palad ko sa pisni mo. Gusto ko maamoy ang pabango na gamit mo. Gusto ko maramdaman ang balat mo na kumiskis sa balat ko.

Sobrang nananabik ako sayo at umaasa pa rin na sa dating tagpuan ako ay iyong bibisitahin. 
Pero kung gaanong ang panahon ay nanatiling mahaba ang pasensya, ako ay tao lamang at unti-unti ng sumusuko ang katawan.

Napagod na ang katawan ko, Napagod na ang puso ko. Nangulubot ng ang balat ko. Unti unti ng nawawala ang alala mo sa isip ko...

Hanggang may natitira pa na alala mo sa akin, gusto ko lang malaman mo na ang mahalin ka ang isa sa pinaka masayang bagay na nangyari sa akin.

Subali't kailangan ko na magpaalam...



1 comment:

Makibirit ka na din...