Thursday, 18 August 2016

walang hanggan

Recording Time: 6:53am

Gulong gulo ang puso.
Saan ba 'to patungo?
Di ko alam.
Di ko alam.

Hinarap lahat ng balakid
Pero bakit walang kapit
Ang mga pangakong binitawan?
Di ko alam.
Di ko alam.

Noong ika'y nilalamig,
ako'y iyong init.
kapag takot sa bukas,
ako'ng unang sisilip

Ginawa ko na ang lahat
Di pa din sapat
kasi ika'y mawawala na.
Nawalan ng gana ang tadhana.

Nanlalamig 'yong dating nagbabaga. Kung maibabalik lang sana.
Titiisin ko na kahit paulit-ulit Tapos pipilitin ko na di maulit Ang masulyapan mo yung dulo
Akala ko walang hanggan
pero may dulo.

Bawat segundo sa aking puso iuukit. Lahat ng alaala aking iguguhit, para makalimutan mong may dulo.
Ang sabi mo walang hanggan,
pero eto tayo sa dulo.

Nanlalamig na ang iyong braso. Bakit ganyan?
Bakit ganyan?

Kung pwede lang pakisagot lahat ng bakit.
Saan galing ang galit?
Mayroon bang nang-aakit?

Kailangan ko lang malinawan.
Bakit ganyan?
Bakit ganyan?

Handang panindigan lahat ng ating plano.
Sigurado kahit di kabisado.
Gagawin ko ang lahat.
Walang pake kung di sapat
Kasi ikaw ay mawawala na.
Nawalan ng gana ang tadhana.
Nanlalamig iyong dating nagbabaga. Kung maibabalik lang sana.
Iindahin ko ang sakit na gumuguhit. Ngingiti sa likod ng luhang pumupunit Baka masulyapan mo yung dulo.
Kasi sabi mo walang hanggan, Ba't merong dulo?

Ibibigay ko ang lahat paulit ulit. Bawat pagkakataon ay aking isusulit,
Basta matalikuran mo yung dulo.
Ang sabi mo walang hanggan.
Ba't na'ndito tayo sa dulo? Oh Ohhh Sa dulo. Oh oh ohhh

Wag ka munang tumalikod.
Bumalik ka muna dito.
Padampi kahit anino.
Ayokong mag-isa dito.

Wala na bang bisa aking dalangin? Tinataboy na ba ng langit? Nakikiusap na lang sa hangin, Ngayon wala ka na sa akin. Ohhh Bakit ba biglang meron tayong dulo?

Pangako mo walang hanggan.
Bakit nandiyan ka sa dulo?
Pwede bang kalimutan mong may dulo? Handa 'ko sa walang hanggan. Pangako mo walang hanggan.
Akala ko walang hanggan.
Pero eto tayo sa dulo.

Kung ika'y mawawala sa aking piling, Dinggin mo aking bilin. Lingon ka lang paminsan minsan. Dito lang ako. Di ako lilisan. Sa aking dulo, di ako lilisan.

Song: Walang Hanggan
Singer(s): Quest
♪♫♪♫♪♫♪♫♪♫♪♫♪♫♪♫

Yung sobra sobra ang effort na binigay mo sa kanya pero hindi nya man lang pinahalagahan.

Yung binigay mo na sa kanya ang mga kamay mo pero gusto nya pati mga paa mo.

Pinagseselosan ang pamilya mo. Ikaw ang lagi nagpapakumbaba. Kahit di mo kasalanan ikaw ang humihingi ng tawad.

Wala syang panahon na pakinggan ang dahilan mo o hindi ka binigyan ng pagkakataon na magbigay ng iyong rason dahil sa simula pa lang ikaw na ang may mali kahit na wala naman.

kahit na ganito, pinili mo pa rin na manatili sa tabi nya dahil mahal mo sya. Subalit hindi sapat ito para sa kanya kaya naman ang pangako nya na ang pagsasama nyo ay walang katapusan sa isang iglap lang ay nagkaroon ng dulo...




No comments:

Post a Comment

Makibirit ka na din...